Tag Archives: alamat

ANG ALAMAT NG MAGSINGAL

ANG ALAMAT NG MAGSINGAL

Ang bayan ng Magsingal ay itinatag sa taong 1676 sa utos ni CapitanJuan de Salcedo ng Sandatahang Espanyol.

Ang mga Espanyol na pinamunuhan ni Capitan Juan de Salcedo ay nakakita ng isang lugar na kung tawagin ay “MALUNGON”, isang lugar sa dakong timog-kanluran at may isang kilometrong layo mula sa poblacion ngayon. Ang lugar na ito ay pinagtatamnan ng palay, tabako at bawang na siyang bumubuhay sa mga mamamayan ng bayang ito. Noong unang panahon, ang lugar na Malungon ay pinamumunuan ni Palungo Galcia (Garcia); isang babae na may kakaibang lakas at katanyagan. Ang mga mananakop na Espanyol na may dala-dalang malalaking kampana, bilang simbolo sa sinakop nilang lugar, ay nag-iiwan dito ng isa. Ang kampana ay simbolo ng pananampalataya. Nang makarating ang mga Espanyol sa Malungon, ibinigay nila ang isang kampana kay Palungo Galcia, pero tinanggihan ni Palungo Galcia, at sa makatuwid itinuro niya ang isang lugar sabay bigkas “MAYISINGAL” o (MAYALIS SADIYAY), na ang ibig sabihin ay “ilipat doon”. Ang lugar na itinuro ni Palungo Galcia, ay ang kasalukuyang kinatatayuan ng “Bell Tower”; na noong unang panahon, ang lugar na ito ay pinamumunuan ng kambal na magkapatid ni Palungo Galcia na sina Palungo Andoliguis at Palungo Tholentino (Tolentino). Simula noon ang mga Espanyol ay isinulat at binigkas ang pangalan ng bayang ito na ‘MAGSINGAL’, na galing sa salitang “MAYALIS SADIYAY” o ‘MAYISINGAL

Sa ngayon ang bayan ng Magsingal ay may tatlumpong barangay, kasali ng barangay sa poblacion.